Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamangkin ni Digong tinalo ng snatcher sa Maynila

0 101

Nahablutan ng cell phone ang pamangkin ni Pangulong Rodrigo Duterte habang naglalakad sa Legarda, Manila kamakailan kung saan naaresto na ang mga suspek.

Kita sa kuha ng CCTV na sakay ng tricycle ang dalawang suspek kung saan ang isa ang bumaba at inagaw ang cell phone ng naglalakad na biktima.

Agad namang nagtungo sa presinto ang biktima at nakumpirmang kaanak ito ng Pangulo.

“Pamangkin nga po niya (Duterte) ‘yan. He just came home from work yata and then going home. Nu’ng nakuha ‘yung cellphone, tumakbo. Inireklamo na niya, at ipinakiusap niya na kung puwedeng ma-recover yung cellphone na yun dahil ginagamit nga sa trabaho,” wika ni Metro Manila police chief Police Maj. Gen. Vicente Danao Jr.

Naaresto ang dalawang suspek na todo-sorry nitong Lunes sa Tondo, Manila sa gitna ng isang riot at narekober ang iPhone ng biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.