Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamangkin ni Misuari inambus, driver nadale

0 99

Nakaligtas sa kapahamakan ang pamangkin ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Musuari na magwi-witness umano sa korte matapos na tambangan ang sinasakyan nilang kotse ng riding in tandem kahapon ng umaga sa Zamboanga City.

Bagamat hindi nasaktan si Inier Jalilun Musuari at isa pang kasama nito ay nasapol naman ng isang tama ng bala sa kaliwang braso si Bernar Camay Martus, drayber ng kotseng sinasakyan ni Misurai.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-7:00 ng umaga sa Governor Camins Avenue sa nabanggit na lungsod.

Patungong korte si Musuari upang tumayong testigo sa hindi binanggit na kaso nang dikitan ng riding in tandem.

Niratrat umano ang drivers’ seat na ikinasugat ni Martus pero hindi nasiraan ng loob ang drayber at binangga ang motorsiklo ng mga suspek na ikinatumba ng mga ito.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek at iniwan ang sumemplang na motorsiklo.

Samantala, isang Omar Adulla Pondoy ang naaresto ng mga tauhan ng Aviation Security ng Zamboanga City International Airport, na sinasabing isa sa mga suspek sa nabanggit na ambush. Naganap ang insidente malapit sa paliparan.

Patuloy ang manhunt operation sa mga kasabwat ni Pondoy.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at wala pang isiniwalat na dahilan ang pulisya sa pag-atake ng grupo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.