Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamangkin ni-rape saka nagbigti

0 116

Mas pinili ng isang lalaki na kitilin ang sariling buhay kesa sa makulong sa kasong panggagahasa matapos itong magbigti sa Camotes Island, Poro, Cebu nitong Sabado.

Sa report ng Poro Police Station, bangkay na nang matagpuan alas-9:40 ng gabi ang 37-anyos na suspek na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Bago nag-suicide, lumitaw na pinasok ng suspek sa kuwarto at puwersahang ginahasa ang 15-anyos na pamangkin ng kanyang misis.

Sa paglalahad ng biktima, tinakpan ng unan ng suspek ang kanyang mukha, hinubaran sa pang-ibabang saplot saka siya ginahasa.

Bagamat takot ay ni-report ng dalagita ang sinapit sa kanilang barangay.

Sinamahan naman ng mga opisyal ng barangay ang biktima sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek at madakip ito.

Subalit pagdating sa bahay ng suspek ay nabungaran nilang nagbigti na ito gamit ang lubid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.