Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamasko ng SMC: Libreng toll sa expressway

0 283

Hindi muna maniningil ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga expressway na pinatatakbo nito para sa Pasko at Bagong Taon.

Kabilang sa mga tollway ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Southern Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Base sa pahayag ng SMC, simula alas-10:00 ng gabi ngayong Huwebes, Disyembre 24, hanggang alas-sais ng umaga sa Disyembre 25, Biyernes, ay bukas lahat ng kanilang expressway para sa mga motorist.

Ganito rin ang gagawin nila mula alas-10:00 ng gabi sa Disyembre 31, hanggang alas-sais ng umaga ng Enero 1, 2021.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, bahagi na ito ng kanilang tradisyon na ginagawa kada taon para sa lahat ng motorista lalo na iyong mga kinakailangang umuwi sa kanilang pamilya na naninirahan sa mga probinsya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.