Abante Tonite Interactive

Pamatay na kaseksihan ni MJ, niluluhuran ng mga foreigner

By
11,331

WALANG pakialam na nagpaboso si MJ Lastimosa sa Zambales. ‘Yun nga lang, ang tubig dagat at mga halaman lang ang nakinabang sa kanyang alindog.

Nakaposte sa Instagram ni MJ ang ilang larawang kuha sa paglulunoy niya sa tubig sa Subic. Hindi simple ang pagkakaupo ni MJ sa isang photo dahil nakabukaka siya, habang 2-piece lang ang suot niya.

Kung isu-zoom in mo ang photo, masisilip na halos sumungaw na ang singit niya, dahil sa kitid ng bikini niya.

Nagpakita ng kalandian niya si MJ sa pag-i-emote sa tubig. Patagilid siyang nakaupo na parang aliw na aliw siyang nadadampian ng tubig ang kanyang bulaklak.

Ikinukunsidera nga si MJ sa isa sa pinakaseksing beauty queen na naging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2014.

Halos apat na taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay ‘pamatay’ pa rin ang hubog ng katawan ni MJ.

Kahit mga foreigner ay lumuluhod sa kaseksihan ng Kapamilya star.