Abante Tonite Interactive

Pamatay sunog ng BFP, nakamamatay na – COA

By
1,557

Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na gumagamit pa ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng fire truck na higit 68 taon nang lumalagare sa pagpatay ng sunog.

Ayon sa COA, hindi na dapat ginagamit ang mga lumang fire truck dahil napapamahal ang BFP sa maintenance nito, bukod pa sa malaking peligro ito sa kalsada.

“Utilizing old fire trucks incurs higher cost of major repairs and maintenance, not to mention the dangers it could possibly cause to both residents and firefighters.” ayon sa 2017 annual report ng COA.

Abante Hiring – IT dep

Inirekomenda pa ng state auditors na igarahe na ang mga lumang fire truck kaysa makasagasa pa sila ng mga tao sa kalsada.

Napag-alaman na tinatayang 39.3 percent o kabuuang 1,094 fire truck ng BFP ay nabili noong 1950 hanggang 1999, ang patuloy na ginagamit sa serbisyo.

Ang ‘useful lifespan’ ng fire truck ay mula lima hanggang 15 taon lamang.

“39.3 percent of the Bureau’s firetrucks nationwide were acquired during the years 1950 to 1999 aging 18 to 67 years old exceeding their estimated useful life of five to 15 years as per Government Accoun­ting,” ayon sa COA.

Kinalampag din ng COA ang BFP sa kakulangan ng mga bom­bero, fire truck, firefigh­ting gear at fire station sa buong kapuluan.

“The BFP has insufficient number of firefighters. Based on the standards set by the BFP Modernization Program, the Bureau is short of 26,250 firemen and by Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) standard, of 27,460 firemen, respectively,” puna ng state auditors.

Sa pamantayan ng HLURB, ang nararapat na ratio ng bumbero sa bawat populasyon ay 1:2,000.