Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamatay uli lineup: Fajardo, Romeo balik-San Miguel

0 452

Ilang beses kumakatok sa PBA grand slam ang San Miguel Beer sa panahon ni coach Leo Austria, pero hindi maduplika ang ginawa ni coach Norman Black at ng kanyang team noong 1989.

Huling lumapit sa trifecta ang Beermen noong 2019, naitabi na ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup crowns.

Sa season-ending Governors Cup, umaariba na ang Beer sa pag-angkla ni import Dez Wells.

Pero napauwi ang reinforcement nang masangkot sa suntukan – sila-silang magkakakampi.

Inaasahang babalik na sina June Mar Fajardo (shin surgery) at Terrence Romeo (shoulder), may CJ Perez pa sa side at kumpleto ang pamatay na lineup kina Chris Ross, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Mo Tautaa at Von Pessumal.

SM food to go Banner Ad

Pero ayaw siguruhin ni Austria ang slam.

“Hard to tell,” anang nine-time champion coach sa Sabadong Power & Play ni Noli Eala. “Maraming beses na kaming nag-try, ganu’n din kalakas ‘yung mga lineup pero hindi nangyari.”

Bukod sa SMB, Alaska at Purefoods franchise pa lang ang nakaka-grand slam sa PBA. Ang huling dalawa ay parehong sa ilalim ni coach Tim Cone.

“We’re thinking one game at a time,” lahad ni Austria. “Kung talagang ibibigay sa amin ‘yan, mangyayari.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.