Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum hihirit pa sa Miami

0 111

Isang matinding Game 6 ang kailangan ng Boston para mapuwersa ang Miami sa deciding Game 7 sa Eastern Conference finals.

Itinakbo ng Celtics ang Game 5 121-108 nitong Biyernes, babalik sila ngayon sa isa pang all-out game.

Nasa exit na ang isang paa ng Celtics, isang kabyos ay lalabas ng Orlando bubble.

Sa kabilang banda, abot-kamay ng Heat ang return trip sa NBA Finals makalipas ang anim na taon.

“(Defense) is a huge emphasis for us, not only to stop the ball, but fire out and play with multiple efforts and challenge shots,” paliwanag ni Boston coach Brad Stevens. “All this stuff is kind of back to the basics. We need to be better, again, in Game 6.”

Related Posts

Better pa mula kina Jayson Tatum, Kemba Walker, Jaylen Brown at Marcus Smart.

Pero ang X-factor ng Celtics ay si starting center Daniel Theis na nag-deliver ng 15 points at 13 rebounds, unang double-double niya sa series.

Maangas pa rin si Tatum sa 31 pts., 10 rebs. at 6 assists, may 28 pts. at 8 boards si Brown. Nagsumite ng 10-8-8 si Smart.

Sa kabila, napigil si Jimmy Butler sa 17 points bagama’t may 8 caroms at 8 feeds. Pati si rookie Tyler Herro na nagliyab ng career-high 37 pts. noong Game 4 ay nalimitahan sa 14 markers.

Pipigain ni coach Erik Spoelstra sina Goran Dragic, Bam Adebayo, Jae Crowder at Duncan Robinson para isara na ang serye. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.