Abante Tonite Interactive

Pambansang Bae peke ang ‘secret’ dyowa

164
tonite-pak-allan-diones

Fake news ang tsikang may secret girlfriend si Alden Richards.
May post si Alden sa social media na he is at his happiest right now, pero nilinaw niya na wala pa siyang karelasyon.
Searching naman daw siya, pero hindi pa niya nami-meet ‘yung taong gusto niyang maging partner.
Nasabi niya raw na masaya siya nu’ng mag-27th birthday siya because marami siyang natutulungan dahil sa trabaho niya, tapos ang pamilya niya ay nadadala niya sa abroad at na-secure na niya ang future ng mga ito.
So, malapit na raw siya sa point na uunahin naman niya ang sarili niya. Actually, ang magka-lovelife daw ang wish niya ngayong 2019.
Nahihirapan lang daw siyang humanap nu’ng mga quality na gusto niya sa isang karelasyon.
‘Yung supportive at understanding ang importante sa Kapuso heartthrob, showbiz man ito o hindi. As of now ay wala pa raw siyang nami-meet na talagang swak sa kanya.
Samantala, hindi raw nanghihimasok si Alden sa personal life ni Maine Mendoza. Hindi raw sila nagtatanungan tungkol sa personal nila ni Maine, unless may maunang magkuwento.
If ever magsi-share sa kanya si Meng ay willing daw siyang makinig. Sa ngayon ay mas okey daw silang dalawa dahil mas nag-mature na sila pareho at nakatulong ‘yung pansamantalang paghihiwalay nila.

AlDub hiling na magbida sa ‘Descendants of the Sun’

Nabalitang tuloy na ang Pinoy adaptation ng hit K-novela na “Descendants of the Sun” this 2019.
May mga humihiling na sana ay sila ni Maine ang magbida roon, pero hindi pa raw sure si Alden tungkol dito. Sana nga raw ay sa kanila ito mapunta.
Hindi pa rin masiguro ng Pambansang Bae kung magkakapelikula o teleserye ulit sila ni Maine sa taong ito, pero wish niyang magka-project sila.
Ilan sa mga Kapuso actress na nabanggit ni Alden na gusto niyang makatrabaho ay sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado at Lovi Poe.
Medyo iba ang look ni Tisoy nang matsika namin siya sa pa-thanksgiving niya for the press dahil tina-try pala talaga niyang i-achieve ‘yung pinost niyang photoshopped pic na balbas-sarado siya, pero ang hot ng dating.
Kaya raw nagsimula na siyang medyo magpahaba ng buhok at magpatubo ng balbas dahil peg niya ‘yung look na ‘yon this year para maiba naman.
Bet din daw ni Alden na gumawa ng project na medyo dark, mapateleserye man o indie film.

Sharon nagparamdam sa Dos na bigyan ng show

 

Tapos na ang social media fasting ni Sharon Cuneta dahil back to posting na ulit siya on her 53rd birthday nu’ng Linggo.
Sobrang touched si Shawie sa mga regalo sa kanya ng mga anak niya, kaya super post niya ang mga ‘yon pati na ‘yung mga card at letter ng mga ito sa kanya.
Ang su-sweet nina KC, Frankie, Miel at Miguel kaya proud and happy momma si Mega. Nakumpleto raw ang buhay niya sa pagdating ng panganay niyang si KC.
Alam na alam ni KC ang gusto niya at nagtitili siya sa binigay nitong labelmaker na may kasamang liquid soaps galing France.
Simple lang ang selebrasyon nila nina Kiko, na wala raw plano at walang bonggang handa pero parang ang saya-saya nilang pamilya.
May video pa silang mag-iina na nagkukulitan sila at tawang-tawa ang mga bagets.
Sa isang post ni Shawie na may mahabang caption ay nabanggit niyang sana ay huwag makalimutan ng ABS-CBN na bigyan siya ng show.