Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pambato sa Tokyo tututukan ng PSC

0 208

IBIBIGAY ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangangailangan ng mga Olympic qualifier sa sandaling makabalik sa kanilang pagsasanay matapos ang isinagawang pagpupulong ng ahensiya ng gobyerno sa sports, Games and Amusements Board at Department of Health.

Sinabi nina PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez at National Training Director Marc Velasco sa Joint Administrative Order Guidelines on Conduct of Health-Enhancing Physical Activities and Sports sa nagaganap na COVID-19 pandemic ang kahalagahan nito sa mga atleta.

“We are working towards the approval of the training of our national athletes who have earned their slots in the Games. We are hoping it gets the go-signal from the Inter-Agency Task Force (IATF) first,” sabi ni Fernandez.

Inihayag rin nina Fernandez at Velasco ang solidong plano sa pagbabalik pagsasanay ng mga Tokyo-bound athlete sa pulong na nilahukan din nina GAB Chairman Baham Mitra, sports officials ng Department of Education, mga professional sports league, colleges,at pati na universities.

“The PSC discussed this with the POC (Philippine Olympic Committee). We still have to sit down with the PPC (Philippine Paralympic Committee). The POC will determine through their NSAs (National Sports Associations) who are coming for the Olympic slots and they will be the ones to return first or if possible, we can have them in a bubble,” paliwanag naman ni Velasco. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.