Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pambayad sa matetepok ng COVID bakuna hirit ni Duque

0 257

Hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbuo sa indemnification fund law na layong bigyan ng kompensasyon ang mga indibidwal na makararanas ng adverse effect mula sa COVID-19 vaccine.

“Mayroon po tayong binubuo at sana po maisabatas ‘yong indemnification fund law. Ito pong batas na ito hangad nito ay mabigyan ng ayuda o compensation kung sino man ‘yong magkakaroon ng adverse reaction bunsod ng bakuna,” aniya.

Dagdag ni Duque, kailangan maging handa ng pamahalaan sa mga posibilidad na maaaring maidulot ng mga COVID-19 bakuna. Natanong pa ang kalihim kung mayroong alokasyon para sa mga masasawi dahil sa vaccine shot. Aniya, maaari umano itong maipaabot sa pangulo.

“‘Yong actual direct compensation hindi ko alam kung puwedeng isama rito kasi sa ngayon, kung ang tanong ay may pumanaw baka puwede naming ipakiusap sa Pangulong (Rodrigo) Duterte kasi sa kasalukuyan ‘pag namatayan may binibigyan ng P1 million assistance sa family so baka puwedeng i-extend sa ganito,” aniya.

Kaugnay nito, noong Miyerkoles nagpahayag ang Marikina city government na maglalaan ito ng local indemnification fund para ayudahan ang mga residente na makakaranas ng malubhang pinsala dahil sa COVID-19 bakuna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.