Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pambobomba posibleng sanhi ng galit sa LGBT

0 114

Sinisilip ng mga imbestigador sa nangyaring pagpapasabog sa Maguindanao ang posibilidad na hate crime ito o dahil sa galit laban sa mga kasapi ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Matatandaan na sa kasagsagan ng isang volleyball game noong Sabado sa bayan ng Datu Piang ay nangyari ang pagsabog kung saan walo katao ang sugatan.

“We found out na itong kabataan na miyembro ng LGBT sa Datu Piang ay naka-receive ng death threats from BIFF-Karialan faction, na sila ay binabantaan na sasaktan ng nasabing grupo kung hindi nila ide-denounce ‘yong kanilang affiliation sa LGBT,” ayon kay 6th Infantry Division spokesman si Lt. Col. John Paul Baldomar.

Nangyari ito sa covered court sa plaza ng Datu Piang. Sa mga sugatan ay isa ang kritikal.

Anim ang itinakbo sa ospital habang ang dalawa naman ay nagtamo ng mga galos.

Ang mga biktima ay pawang mga miyembro ng LGBT community. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.