Abante Tonite Interactive

Pambubugbog kay Barbie, Ama ni Paul pumalag

By
4,136

Nag-chat kami sa daddy ni Paul Salas na si Jim Salas. Sa mga hindi nakakalam, si Jim ay kilalang miyembro ng Universal Motion Dancers noong 90’s.

Tinanong namin kung totoong si Paul ang nambugbog sa ex-girlfriend nitong si Barbie Imperial. Kinukuyog kasi ng netizen ang anak niya, minumura, at pinagbibintangan.

Sa comment section ng Instagram account ni Barbie ,sinabi ng ilang followers niya na gawa raw ‘yun ni Paul.
Narito ang reply sa amin ni Jim:

“Kilala niyo si Paul at alam niyong hindi niya kayang gawin yun.

“Alam namin ang totoo. Alam ng Diyos ang totoo. Mahirap magsalita agad dahil sarado utak ng mga tao.

“Kung totoo ang sinasabi ng babaeng yun bakit hindi siya nagsumbong sa pulis o kaya sa brgy. Nagkaoras pa siya para mag-selfie ng mga sugat niya na hindi naman gawa ni Paul.

“Malalaman niyo rin ang totoong kwento. Sa ngayon, maging bukas ang isip natin na dalawa ang kwento parati sa istorya. Antayin ang kwento sa side ng anak ko. Maraming sala­mat sa inyong mga totoong nagmamahal kay Paul at sa amin.”

“Lalabas din ang katotohanan.”