Abante Tonite Interactive

Pambubuska ni Romeo P25K ang presyo!

1,821

Pinagmumulta ng PBA ng P25,000 si TNT KaTropa star pointguard Terrence Romeo.

Ito ay dahil sa mga patutsada niya sa referee kaugnay ng unang laban ng koponan niya kontra dating team GlobalPort Batang Pier sa simula ng PBA Commissioner’s Cup nitong Abril 22.

Sa naturang laro ay natawagan ng magkasunod na dribbling violation si Romeo sa 128-114 panalo ng TNT kontra GlobalPort at nagkomento siya na mukhang sa ibang planeta ang tawag ng referee.

Bago ang multa, pinatawag muna ni PBA Commissioner Willie Marcial si Romeo para pagpaliwanagin sa insidente.