Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya, 2 pa natusta sa UP Campus

0 66

Walo katao ang nalitson nang buhay kabilang ang dalawang bata habang tatlong iba pa ang sugatan nang masunog ang isang residential area sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City, nitong Lunes.

Hindi muna pinangalanan ang mga namatay na kinabibilangan umano ng isang ina at dalawang anak, na nasa edad 7 at 9, dalawang senior citizen, isang may kapansanan at 2 iba pa.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-National Capital Region (NCR), alas-5:20 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na tahanan sa R6A Employees Village A, Brgy. UP Campus.
Ang naturang tahanan ay pagmamay-ari umano ng isang Apolinario Almo at inookupahan ng pamilya ni Marie Antonette Almo Agutay. Sinasabing nagsimula ng sunog sa silid ng isang Emirys Richard Artuge.
Ayon naman kay Fire Senior Insp. Jose Felipe Arrea ng BFP-Quezon City, sunog na sunog ang mga bangkay at hindi na makilala ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang anim na kamag-anak ni Maria Alea Evangelista, na hindi napigilang maiyak nang malaman ang sinapit ng mga kapamilya.
Aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tahanan sa tinatayang 80 kabahayan.
Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa P150,000 halaga ng ari-arian. Naideklara itong fire out alas-6:35 ng umaga.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.