Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya Dacera pumalag sa P2M insurance

0 107

Itinanggi ng kampo ng pamilya Dacera na P2 milyong insurance ang dahilan kaya pinipilit nilang may krimeng nangyari sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine.

Nitong Huwebes ay nagsumite ang pamilya Dacera ng mga ebidensya at reply-affidavit sa Makati City Prosecutor’s Office.

Ani Atty. Jose Ledda, abogado ng pamilya Dacera, sakaling hindi pumabor sa kanila ang magiging desisyon ng Makati City Prosecutor’s Office at ibabasura ang provisional charge ng rape with homicide laban sa 11 akusado ay itutulak nila ang ibang legal remedy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabila ito na inalis na ng Philippine National Police ang homicide at rape sa pagkamatay ni Christine dahil batay sa medical record ay lumabas na natural cause ang pagpanaw ng flight attendant.

Kaugnay pa nito, muling pinabulaanan ni Atty. Ledda ang mga tsismis sa social media na kaya pinipilit ng ina ni Christine na si Sharon Dacera na may krimeng nangyari ay dahil sa insurance.

“’Yung kasama ko dito nanay ng namatay. Tingin n’yo ho ba ‘yung dalawang milyon sapat ‘yun para sa buhay ng anak niya (Sharon)?” maikling sagot ni Atty. Ledda nang tanungin ng isang reporter. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.