Abante Tonite Interactive

Pamilya damay sa kamalditahan ng young actress

977

MAHIHIRAPAN nang bumawi sa kanyang imahe bilang maldita ang isang maganda pa namang young actress. Kung dati’y kuwento-kuwento lang ang napapansing kamalditahan niya ay pinatunayan ‘yun ng mismong mga nakakasama niya sa trabaho.

Kuwento ng isang source, “Ayun, may naglakas-loob na ngang ipagbanduhan ang kamalditahan niya, hindi na nakatiis ‘yung tao, damay pati ang pamilya niya sa reklamo!

Pagpansin naman ng marami ay matagal kasing naghintay ng kanyang pagkakataon ang young actress para magbida. Hindi niya ‘yin kinayang i-handle.

Isang impormante ang nagsabi, “Para siyang pinagdamutan ng food nu’ng una, kaya nu’ng magkaroon na siya ng chance, agarang lumaki ang ulo niya! Binusog niya nang husto ang sarili niya!

“Maraming nakatrabaho niya ang nagkukuwento na rin ngayon tungkol sa kaangasan ng young actress na ‘yun! Naku, siguradong mapapadali ang career niya kapag hindi siya nagbago!

“Sayang, maganda pa naman siya, para siyang manika!” pagtatapos ng aming source.

Female personality nakakatakot karelasyon

SA isang umpukan ay nasentruhan ng kuwento ang isang kilalang female personality na nakakatakot kunong makarelasyon. May hatid daw ang magandang aktres.

Naalala ng isang source sa umpukan, “Di ba, ilang taon na ang nakararaan, e, nakaladkad din ang name niya sa pagsu-suicide ng isang member ng LGBTQ?

“Ang sabi, e, siya raw ang huling nakausap nu’ng pamangkin ng isang dancer, after nilang mag-usap, nagbaril ‘yung kausap ng girl.

“Ngayon, e, heto na naman. Matagal silang naging magkarelasyon nu’ng male personality na tumalon naman sa isang building.

“Nakakapangilabot ang mga kuwento. Maraming nagsasabing may hatid daw ang female personality bilang karelasyon. Huwag na sanang masundan pa ‘yun,” hiling na lang ng impormante.

Pagiging Bisaya ni Gazini minaliit

NU’NG Lunes, araw ng Miss Universe, ay hindi namin binitiwan ni Romel Chika sa aming programa ang isang kababayan nating nag-post sa kanyang IG ng napakamapanghusgang komento.

Sabi nito, “Kasi naman, Bisaya pa ang ipinanglaban ng Pilipinas, low class sila!” Kailangang pagmumugin ng muriatic acid ang malabigang bibig ng kababayan nating ‘yu.

Bakit, kapag Bisaya ba ay hindi na tao? Kapag Bisaya ba ay wala nang karapatang makipaglaban sa kahit anong larangan? Kapag Bisaya ba ay menos na ang kanyang pagkatao?

Napakawalanghiyang panghusga! Sa halip na makisimpatya ang nag-post na ‘yun dahil hindi nakapasok sa Top 10 si Gazini Ganados ay minaliit pa nito ang pagiging Bisaya ng ating kalahok.

Sana’y naisip nito na nang pumagitna na sa entablado si Gazini ay hindi lang naman ang kanyang pagiging Bisaya ang kanyang bitbit kundi ang pangalan ng Pilipinas.

Tayong lahat ang kanyang dala-dala, ang pangalan ng ating bansa ang pinangarap ni Gazini Ganados na minsan pang magmarka sa mapa ng mundo sa pagandahan, kaya nga lang ay hindi siya pinalad.

Hindi man niya naiuwi ang korona ay isa pa rin siyang Pilipinong dapat ipagmalaki at ipagbunyi. Hindi simple ang ginawa niyang paghahanda sa pag-asang makapagbibigay siya ng karangalan para sa ating bayan.

Nakakalungkot ang pagkakaroon ng mga kapwa Pinoy na walang pagpapahalaga sa talentong meron ang ating mga kababayan.

Nananalo lang daw ng gintong medalya ang mga atletang Pilipino dahil dinadaya. Tayo raw kasi ang host country kaya nagagawa natin ang lahat ng hokus-pokus.

Halos magpakamatay na nga ang mga manlalaro natin para lang makapagbigay sila ng karangalan para sa ating bansa pero may nasasabi pa rin ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mangnega.

Haaaayyyy, naku!