Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya inspirasyon kay Dani

0 189

Naging inspirasyon ng pangatlo o bunso sa magkakapatid na Ravena na si Danielle Therese ‘Dani’ ang mga titulong nasungkit ng kanyang pamilya kaya nagpursigi ring magkampeon sa 81st University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2018-19 women’s indoor volleyball.

“You know how my brothers (Kiefer Isaac and Ferdinand ‘Thirdy’ III] experienced their own championship (UAAP men’s basketball) and also my dad (Philippine Basketball Association) and my mom (UAAP volleyball) and they would share their championship (story),” litanya Huwebes ng Ateneo Queen Lady Eagle libero.

Sa kagustuhan ding makapag-ambag sa dinanas ng kapamilya, pinakiramdaman at sinikap ng 20-year-old, 5-foot-4 volleybelle na magaya at masundan ang landas ng mga magulang at kapatid.

“For me I just listened and then you try to like, feel it,” dagdag ni Ravena, inamin ding ‘di maipaliwanag ang naramdaman nang magreyna siya.

“Once you experience it talaga it’s indescribable.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.