Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya kinatay sa tsismis

0 135

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang menor de edad at kanilang tiyuhan nang pagtatagain sa kanilang bahay sa Barangay Nasandig sa bayan ng Batuan, Masbate, Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat, sinabi ni P/Cpt. Alfredo Lastrella Jr., hepe ng Batuan Municipal Police na pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima saka tinaga sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang dalawang bat ana may edad 6 at 7. Dahil dito, agad binawian ng buhay ang mga musmos.

Kasunod nito, nagising umano ang tiyuhin ng mga bata na pinagbalingan naman ng suspek at pinagtataga rin.

SM food to go Banner Ad

Batay naman sa imbestigasyon, ang target diumano talaga ng suspek ay ang gurdian ng isa sa mga bat ana nagkataon na wala sa loob ng bahay nang mangyari ang krimen.

Nabatid na ilang oras umano bago mangyari ang pananaga sa mga biktima ay pinagtangkaan ding tagain ng suspek ang nasabing guardian pero naawat ng mga residente.

Nag-ugat diumano ang krimen nang pagbintangan ng guardian ang suspek na na nagnakaw ng nawalang wallet ng kanyang ina.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.