Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya-Laude 3 beses tumanggap ng tulong kay Duterte

0 77

Kinumpirma ng Malacañang na tatlong beses tumanggap ng tulong pinansiyal mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ni Jennifer Laude.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw sana ng Pangulo na ipabanggit ito subalit nagmula na rin mismo kay Mrs. Julita Laude ang impormasyon.

Hindi aniya ugali ng Presidente na ipangalandakan ang ibinibigay na tulong dahil ginagawa naman niya ito sa lahat ng mga nangangailangan.

“I can confirm only because Mrs. Laude already said na nakatanggap sila ng financial aid. Pero ang kabilin-bilinan po ni Presidente, hindi ko pinangangalandakan kung sino sino ang tinutulungan ko no,” ani Roque.

Batay sa pahayag ni ginang Laude, binigyan sila ng Presidente ng tulong pinansiyal dahil natuwa ito na isinulong nila ang kaso laban kay Pemberton.

Kasabay nito, kinontra ni Roque si ginang Laude sa pahayag nitong nangako ang Presidente na mananatili sa kulungan si Pemberton hanggat nakaupo ito sa puwesto.

Sinabi ng kalihim na walang ganitong ipinangako si Pangulong Duterte, maliban sa pahayag nito na bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Jennifer Laude. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.