Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya minasaker ng adik

0 255

Minasaker ng isang hinihinalang adik ang isang pamilya sa Kawit, Cavite noong Linggo ng gabi dahil sa hinalang isinusumbong siya sa pulisya na gumagamit ng iligal na droga.

Pawang isinugod sa Binakayan Hospital si Rolando Hingada, 71-anyos, at asawang si Angelita Hingada, 63, at mga anak nilang sina Rolito Hingada, 47, may asawa, isang government employee, at Roan Hingada-Andres, 45, may asawa at pawang mga residente ng Brgy. Congbalay, Kawit su­balit idineklarang patay ang mag-asawa at si Roan habang nasa kritikal na kondisyon si Rolito.

Samantala, dinakip na ang suspek na si Jeraldson Villamater, 35, alyas Butch, at kapitbahay ng pamilya Hingada.

Sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Police Station, alas-6:00 ng gabi ng kamakalawa, nang maganap ang insidente kung saan nakaupo si Roan sa harapan ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa nakuntento, pumasok pa sa loob ng bahay si Villamater at walang habas na pinagsasaksak ang mag-asawa at si Rolito.

Pawang isinugod sa ospital ang pamilya Hingada subalit pawang dead on arrival ang tatlo at tanging si Rolito ang lumalaban kay Kamatayan.

Naaresto naman ang suspek sa mga rumes­pondeng operatiba ng Kawit Police.

Ayon kay Clerigo, pinaghihinalaan ni Villamater na nagsusumbong si Rolito sa pulisya na gumagamit siya ng droga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.