Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya minasaker sa away-lupa

0 422

Buwis-buhay sa alitan sa lupa ang limang magkakapamilya habang malubhang nasugatan ang isang paslit matapos silang ratratin ng armalite ng isa nilang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Tarusanan, Milaor, Camarines Sur, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo de Leon y Perez, 72; Samuel Cobilla Jr. y De Leon, 21; Noela Agliones y De Leon, 7; Hobbie John Britanico y De Leon, 6; at Robbie John Britanico y De Leon, 4-anyos.

Malubha namang nasugatan ang isang 7-anyos na totoy.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril alas-5:30 ng hapon kung saan sinugod at pinaulanan ng bala ang mga biktima ng suspek na armado ng M16 armalite.

Nakilala ang suspek na si Arturo De Leon, residente rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang dumating ang suspek na naka-camouflage uniform at walang pakundangan na niratrat ng M16 ang matandang si Romeo.

Kasama rin sa mga tinamaan ng bala ang dalawang menor de edad na sina Hobbie at Robbie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa nakuntento, tinungo umano ng suspek ang karatig na bahay kung saan nakatira sina Luzviminda Cobilla, ina ni Samuel.

Upang sagipin ang ina sa pamamaril ay ginawang pananggalang ni Samuel ang katawan at sinalo ang bawat putok ng bala na ikinasawi nito.

Hinagisan din ng suspek ng granada ang kusina ng bahay at tinamaan sa pagsabog si Noela.

Nadala pa sa pinakalamapit na ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival sina Romeo at Samuel. Ang dalawang paslit at si Noela ay nasawi habang ginagamot.

Sa salaysay ng ibang kaanak, matagal nang away sa lupa ang itinuturong dahilan ng masaker.

Nag-utos na si Police Regional Office 5 director Brig. Gen. Jonnel Estomo ng manhunt operation laban sa suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.