Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya ng 2 Pinoy sa UAE may ayuda

0 95

Makatatanggap ng tig-P120,000 ang pamilya ng dalawang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa pagsabog sa isang restaurant sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).

Kinilala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga pumanaw na biktima na sina Clark Bacud Gasis at Merrner Goc-ong Bertoces.

Sabi ni Bello, ang matatanggap na pera ay ang kanilang insurance benefit dahil sila ay mga qualified member ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa DOLE, 10 Pinoy ang apektado ng pagsabog sa pagsabog sa Abu Dhabi kasama na ang dalawang nasawi. May kasama pang dalawang sanggol na Pilipino na nabiktima nang nagkaroon ng leak sa loob ng Kentucky Fried Chicken sa Airport Road sa Abu Dhabi noong Agosto 31. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.