Abante Tonite Interactive

Pamilya ng dentista sa Samar, naghahanap ng hustisya

501

Hindi pa rin natutukoy hanggang ngayon ang mga suspek ganundin ang motibo sa pagpaslang sa isang dentista sa Calbayog City, Samar halos isang linggo na ang nakakaraan.

Mula alas-4:30 hanggang alas-singko nang hapon noong Abril 15, nang barilin si Dra. Vicky Rumohr, 69-anyos, ng riding-in-tandem habang mag-isang nagmamaneho ng pick-up truck sa may Christian New Life Academy sa Magsaysay Extension.

Ang bala ay tumama sa kanyang kaliwang pisngi at tumagos sa batok ng biktima.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa ilang saksi, umandar pa ang sasakyan ng ilang metro bago sumalpok sa poste.

Doon na bumulagta at namatay si Rumohr.

Hanggang ngayon ay wala pang linaw ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga awtoridad ng Calbayog.

Ngunit ayon sa pamilya ni Rumohr, noong 2018 ay pinaslang din ang pamangkin ng dentista na si Catherine Rumohr-Johnson sa Calbayog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang naturang krimen at hindi pa rin matukoy kung may koneksyon ang dalawang kaso ng pamamaslang.

Batay sa mga komentaryo sa Facebook page ng Calbayog Journal, nakapanghihinayang at nakakalungkot ang sinapit ni Dra. Rumohr dahil mabait at matulungin ito sa kanyang pamilya at komunidad.