Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya ng female personality walang K magalit

0 537

Puro papuri ang maririnig mula sa isang source patungkol sa isang pamosong female personality. Sabi ng impormante, magpagawa man ang kanyang mga magulang ng padron na tulad ng kanilang anak ay wala na silang makikita, nag-iisa lang ang female personality sa pagiging dakilang anak.

Kuwento ng aming source, “Wala na silang matatagpuan pang kasingbait ng anak nila! Lahat ng utos nila nu’n, e, sinunod nu’ng bata! Wala siyang sinuway!

“Pati ang lovelife niya, e, bantay-sarado ng parents niya, tinanggalan siya ng freedom, hindi nga niya na-enjoy ang kabataan niya dahil bawal siya makipagrelasyon.

“Pero nagawa pa rin naman niyang makipag-boyfriend, pero patago nga lang, ilang friends lang niya ang nakakaalam, walang kaalam-alam ang mga magulang niya na may karelasyon siya.

“Napakahirap nga lang ng pinagdaanan niya, hanggang tawagan at texting lang sila ng patago niyang boyfriend, paminsan-minsan lang silang nagkikita sa studio kapag show na nila,” paunang kuwento ng aming impormante.

Walang lihim na hindi nalalantad, nang maulinigan ng mga magulang ng sikat na singer-actress na may kakaiba silang pagtitinginan ng isang male personality ay nauwi ‘yun sa pagkompronta ng ama ng female personality sa lalaki, may bonus pang pamimitsera ‘yun.

Patuloy ng aming source, “Mula nu’n, e, hinigpitan na ng parents niya ang girl, hindi na sila malayang nakapag-uusap ng guy, binantayan na siya nang husto, hanggang sa mawala na nang tuluyan ang communication nila.

“Napakabait na anak at kapatid ng girl, nagsakripisyo talaga siya nang todo para sa family niya, sukdang pati ang lovelife niya, e, naging panghuling priority na lang niya.

“Kaya walang dapat ikagalit sa kanya ang pamilya niya kung nagdesisyon man siyang harapin na ang personal niyang buhay. Ano pa ba naman ang kulang?

“Ginawa na niya ang lahat-lahat, hindi pa ba naman enough ang mga sakripisyong ginawa niya para sa kabuhayan ng family nila? Hindi pa ba enough ‘yun?” pagsasarado sa kuwento ng aming source.

Related Posts

Contract star ng Kapamilya palalayain na

Hindi maramot sa kanilang mga artista ang ABS-CBN. Dahil ginawa na nila ang lahat ng paraan para mabigyan pa rin ng trabaho ang kanilang mga kontratadong artista, pero hinarangan pa rin sila ng NTC, ay nakarating sa amin ang impormasyong palalayain na nila ang mga personalidad na gustong magtrabaho sa ibang network.

Pormalidad lang ang kailangang gawin ng artista, ayon sa aming source, dapat silang magpaalam sa mga ehekutibo ng istasyon kung gusto na nilang magtrabaho sa ibang istasyon.

Ginawa na ng network ang lahat-lahat, nagbuo na sila ng Kapamilya Channel kung saan maipalalabas ang kanilang mga programa, pero hindi nila kakampi ang panahon.

Pati ang mga channel kung saan mapapanood ang kanilang mga palabas sa TV Plus ay baldado na rin. Kesa nga naman sa tuluyang walang pagkakitaan ang kanilang mga artista ay bibigyan na sila ng kalayaang makapagtrabaho sa labas ng istasyong ipinasarado na.

Kung hindi magbubunga ng maganda ang planong pagbili ng airtime sa ibang istasyon sa pagiging blocktimer ay pinakahuling positibong hakbang nang magagawa ng pamunuan ng ABS-CBN ang pagbibigay na kalayaan sa kanilang mga artista.

Pero ang Star Magic pa rin pala ang kanilang manager, ito pa rin ang makikipagtransaksiyon para sa kanilang bagong trabaho, na maganda rin naman para mabigyan sila ng proteksiyon.

Sa ganu’ng paraan, kung matutuloy nga, ay malaking biyaya para sa GMA-7. Siguradong ang Siyete ang unang nakikitang malilipatan ng mga personaldiad ng ABS-CBN at pangalawa lang ang TV5.

Kapag ginawa na ng network ang lahat-lahat ng paraan, pero hindi pa rin sapat sa kanilang pakikipaglaban, ay pinakamakatwirang hakbang na ang pagpapalaya sa kanilang mga artista para makapagtrabaho sa ibang network.

(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.