Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya ng health worker ‘di priority sa bakuna

0 69

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kasama ang mga dependent o pamilya ng mga health worker sa mga dapat makakua ng COVID-19 vaccine hanggap hindi pa nababakunahan ang nasa 1.8 milyong frontliner.

“They are not eligible. Ang binibigyang prayoridad muna ngayon ay healthcare workers natin,” giit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “Ang pamilya ng healthcare workers, dadating tayo sa punto na iyan kung papasok sila sa ibang sektor, mabibigyan sila.”

Aniya ang kasalukuyang stock na 1.12 milyong dose ay para lang sa 560,000 katao dahil kailangan ng dalawnag dose ng mga matuturukan ng Sinovac at AstraZeneca vaccine.

Giit niya, hindi pa ito sapat para sa mga healthcare worker.

Lumabas ito kasunod ng pahayag ni Quezon City Rep. Angelina ‘Helen’ Tan na naturukan siya ng Sinovac vaccine dahil dependent siya ng kanyang anak na health worker sa isang ospital.

Sabi pa ng DOH, hindi maaaring masuway ang protocol sa mga tatanggap ng AstraZeneca dahil posibleng hindi na makakuha ang bansa ng supply nito mula sa COVAX facility.

Leave A Reply

Your email address will not be published.