Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya ng rape-slay victim: ‘Di siya namatay kung may escort

0 461

Naghihinakit pa rin ang mga kaanak ni Fabel Pineda, 15-anyos na minolestiya at pinatay diumano ng dalawang pulis, sa Ilocos Sur.

“Ni-rape nila, binaboy nila. Ginawa nila ang gusto nila pero pinatay pa nila,” saad ng tiyahin ng biktima. Sa testimonya niya sa pulisya, sinabi nitong hindi sana nangyari ang pagpatay kung pinayagan lamang ng umano pulis na bigyan sila ng security escort sa pag-uwi ni Pineda kasama ang kanyang dalawang kamag-anak makaraang magreklamo noong July 2 hinggil sa pagmomolestiya kay Pineda at panghahalay naman sa 18-anyos nitong pinsan.

“Noon, may takot na kami, doon palang sana nagbigay na sila ng security, wala sanang nangyari, hindi sana siya namatay,” sabi nito.

Kasong murder ang ang sinampa laban sa tinuturong suspek sa krimen na sina PSSgt. Randy Ramos at Marawi Torda. Sinibak na rin ang hepe ng pulisya kung saan nakatalaga ang mga suspek.

Samantala, galit na nagpahayag si Police Chief Gen. Archie Gambao tungkol sa aksyon ng dalawang pulis, aniya “They are not men in uniform but animals who deserved to be jailed for life, walang awa, walang puso, walang kuwentang pulis.” (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.