Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya ni CHED chairman tinamaan ng virus

0 29

Hindi nakaligtas ang pamilya ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera sa bagsik ng COVID-19 matapos itong magpositibo sa virus.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni De Vera na kasalukuyan itong naka-quarantine at nadamay din ang kanyang buong pamilya na naimpekisyon ng virus.

Pero wala aniyang dapat ipag-alala ang mga kaibigan nito at mga kakilala dahil umaayos na ang kondisyon ng kanyang kalusugan.

SM food to go Banner Ad

“Ako ay naka-quarantine sa bahay. Ang aking buong pamilya ay infected pero dahil sa mga tumutulong sa aking mga doktor kasama ang pag-telemed, ako ay unti-unting gumagaling na,” ani de Vera.

Hindi naman masabi ng kalihim kung saan niya nakuha ang pagkakaroon ng COVID dahil marami siyang naging aktibidad noong nakalipas na linggo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.