Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lloyd Umali, pamilya walang COVID

0 578

NI: ROLDAN CASTRO

Nilinaw ng kampo ni Lloyd Umali na walang COVID -19 ito, pati na rin ang kanyang asawa at anak.

Naunang lumabas sa isang website na umano’y positibo ang singer at ang pamilya. May mga nag-share na rin.

Kapangalan lang pala ng magaling na singer ang Lloyd Umali na umamin sa Facebook na naka-base sa California.

Si Lloyd ay kasalukuyang nasa Japan at ang kanyang misis. Nasa Pilipinas naman ang kanyang mga anak.

“Nauna ko nang pinost na kapangalan ko yan taong yan at Wala akong asawang dentista! Lloyd Umali lng ang nakalagay ako na agad. Ang nasa fb ko Lloyd Kho Umali,” pagkaklaro niya sa kanyang Facebook account.

Samantala, humihingi ng paumanhin ang may-akda sa mga naapektuhan ng maling balita na nabigong kunin ang panig dahil sa problema sa komunikasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.