Tanggap naman daw ng mga magulang ni Vincent Co si Bea Alonzo at wala ring problema sa aktres kahit mapirmi siya sa bahay matapos ang pagpapakasal niya sa una.
Ibinunyag ng source ng Bilyonaryo News Channel na welcome sa mga magulang ni Vincent na sina Lucio at Susan Co si Bea kahit hindi dumalo ang mga ito sa civil wedding ng dalawa.
“Buti natuloy din ang kasal kasi wala nang nakialam,” sabi ng isang guest.
Natuloy na nga sa wakas ang kasal nina Bea at Vincent, na ayon sa ulat ay nangyari nitong July 13.
Kinumpirma ni Makati City Mayor Nancy Binay sa BNC na siya ang nagkasal sa dalawa.
Ayon naman sa Bilyonaryo-Abante source, wala ring kamag-anak na bisita sina Bea at Vincent kundi mga kaibigan lamang nila.(Issa Santiago)











