Abante Tonite Interactive

Pamilya numero unong ‘agimat’ ni Thirdy Ravena

By
0 276

Naging ‘pinaka-kontra bida’ si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III para sa Unibersidad ng Pilipinas na pagkaitan ito ng unang titulo sa may 32 taon sa kawawakas na 81st University Athletic Association of the Philippines men’s basketball sa Big Dome sa Quezon City.

Winalis ng Ateneo de Manila University ang UP Fighting Maroons 2-0 kabilang ang panelyo sa trono na 99-81 kung saan kumayod si Ravena ng career-high 38 points na pumantay sa nagawa ng kanyang kuya Kiefer Isaac noong Agosto 2014 sa eliminations, pero pinakamataas na produksyon sa loob ng 15 taon sa finals.

Sa series opener muna noong Linggo, muntikanang mag-triple-double ang 6-foot-3 small forward sa paghawla ng 21 markers, 10 rebounds at 9 assists upang tukain din ang 88-79 para sa 2nd straight crown niya sawatain ang Peyups sa ika-2 sanang trono sa pangkalahatan.

Abante Hiring – IT dep

May average lang ang 4-year league veteran sa 2-round elims na 21.1 pts. at 6.2 boards bago ang pagsabog sa pinale at nagkaloob sa Loyola Heights-based dribblers ng ika-10 korona buhat noong 1978. At sa sarili ika-2 sunod na edisyong Finals MVP.

Inamin ni Thirdy na ang kanyang pamilya na mahilig talaga sa sports – amang ex-pro Ferdinand, Jr. ‘Bong’, inang dating University of Santo Tomas volleybelle Mozzy, suspendido lang na PBA player Kiefer Isaac ‘Kief’ ng NLEX at Premier Volleyball League player Danielle Theris ‘Dani’ ng Ateneo-Motolite – ang isa na nagpakinang sa kanya sa huling 2 laro sa liga.

Kinumpirma ng 5-foot-11 na playmaker namang si Kief, kilala ring ‘Phenom’, na hindi siya nagpe-pep talk sa nakababatang si Thirdy. Pero nagti-text siya bago ang game.

Gaya aniya nu’ng Miyerkoles sa title-clinching ng ADMU Blue Eagles sa kabila na siya’y malayo ng 4.1 kilometro sa pagsaksi sa bunsong kapatid na si Dani na kalaban ang kasintahan niyang si Alyssa Valdez ng Creamline sa PVL finals sa FilOil Flying V Centre-San Juan City.