Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya pisak sa trak

0 80

Patay noon din sa pinangyarihan ng sakuna ang isang mag-asawa at ang dalawang buwang gulang nilang sanggol habang nakaligtas naman ang kapatid nito matapos salpukin ng rumaragasang trak ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa San Carlos City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Joemar Hirasol, 29, at Angelyn, 19, samantalang nakaligtas naman ang isa pa nilang anak na 10 taong gulang at nagpapagaling ngayon sa ospital.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinusundan ng trak na minamaneho ng suspek na si Mickey Gallo ang motorsiklo ng mga biktima sa pababang bahagi ng kalsada Biyernes ng gabi.

Ayon sa suspek, binalak niya na mag-overtake sa motorsiklo pero nagkaroon umano ng problema sa manibela ng trak kaya nabunggo niya at nakaladkad ang sasakyan ng mga biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base pa sa ulat, pumailalim at naipit ang mga biktima sa trak kaya naging pahirapan ang pagkuha sa kanila.

Nakaligtas naman ang 10 taong gulang na anak ng mag-asawa matapos na tumilapon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na si Gallo para harapin ang kanyang kaso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.