Abante Tonite Interactive

Pamilya Ravena todo-suporta sa All-Star debut ni Kiefer

By
882

Si Kiefer Ravena ang bukod-tanging­ rookie na ibinoto ng fans para maging starter sa PBA All-Star game, susulitin ito ng NLEX guard sa harap ng kanyang mga kababayan sa Iloilo sa final leg ng midseason extravaganza sa May 27.

Tubong Iloilo City ang angkan ng mga Ravena, doon din ipinanganak si Kiefer 24 na taon na ang nakakaraan. Unang pagkakataon ito na lalaro sa harap ng kanyang town mates sapul nang tapikin bilang No. 2 pick ng Road Warriors noong isang taon.

“I’m looking forward to it kasi hindi pa ako nakakalaro in front of my people sa PBA,” ani Ravena. “My family will come out over there. My dad will be joining me.”

Sa Visayas All-Star, makakasama ni Ravena sina June Mar Fajardo, James Yap, Greg Slaughter at Terrence Romeo bilang starting unit ni coach Chito Victolero kontra Smart Philippine team sa event na hatid ng Phoenix Fuel with Pulse Technology. Kukumpleto sa team sina JR Quinahan, Jeff Chan, Chris Ross, Ronald Tubid, Asi Taulava, Jericho Cruz at Eman Monfort.

Magkakampi sa NLEX sina Ravena at Monfort, magkasama rin sila sa Ateneo nang magkampeon sa UAAP noong 2011 season.

“I’ll try to have fun,” paniniguro ni Ravena kasabay sa pasasalamat sa fans na bumoto sa kanya. “It’s my first All-Star week, I’m blessed to be part of the whole week.”