Abante Tonite Interactive

Pamilya sinagasaan ng Cagayan SK member

By
195

Patay ang isang ginang habang malubhang nasugatan ang mister at anak na menor de edad makaraang mabangga ng minamanehong kotse ng isang sinasabing Sangguniang Kabataan (SK) member sa Pamplona, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ni Pamplona Police Station (PPS) commander Sr. Insp. Joseph Echaure ang nasawing ginang na si Ana Jean Tagoc, ng nasabing bayan. Samantala, ang mister at 5-anyos nitong anak ay isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Sa paunang imbestigasyon, habang tumatahak at sakay sa motorsiklo ang mga Tagoc ay sinuwag sila ng kasalubong na kotse na pag-aari ng isang SK member na ‘di tinukoy dahil sa pagiging menor de edad nito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang ginang nang 100 metro na siya nitong agarang ikinamatay.

Nakaratay naman ngayon ang mag-ama nitong nasugatan sa sakuna.