Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya tigok sa gumuhong warehouse

0 273

Isang pamilya ang binawian ng buhay matapos gumuho ang itinatayong warehouse sa Barangay Langkaan 1, Dasmariñas, Cavite nitong Huwebes.

Sa report, isang construction worker, kanyang asawa at anak na 2-anyos ang pumanaw habang tatlo pang construction worker ang sugatan.

Bumigay umano ang pader ng ginagawang bodega dahil lumambot ang lupang pinagtatayuan ng gusali dulot na rin ng bagyo.

SM food to go Banner Ad

May taas na raw na halos limang talampakan ang bumigay na under construction na warehouse alas-4:00 ng hapon.

Nabagsakan nito ang barracks na ginagamit ng isang construction worker kasama ang kanyang mag-ina.

Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (IS/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.