Abante Tonite Interactive

Pamilya timbog sa drug-bust sa Laguna

By
26

Arestado ang tatlong mag-anak at apat pang katao sa buy-bust operation na ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, Philippine Air Force, Philippine Navy at San Pero Police sa Barangay San Roque, San ­Pedro City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang mga naaresto na mag-asawang Luisito at Cecilia Olazo, anak na si Luisito Olazo Jr., at mga pamangkin na sina Gilbert Olazo, Mario Olazo Jr. at dalawa pa na sina sina Jeff Salandanan at Maricar Casacop.

Sinasabing ang mga suspek ay mga miyembro ng Olazo Drug Group ng  San Pedro at pawang nasa target­ list ng PDEA at PNP.

Nakumpiska sa mga ito ang 16 na piraso ng plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng  tinatayang 60 gramo­ at may street value na P144,000.00.