Abante Tonite Interactive

Pamosong performer may bakas ang pananakit ng ina

0 554

NAKAPAG-move on na ang isang pamosong performer sa masaklap niyang nakaraan pero hanggang ngayon pala ay ikinalulungkot niya pa rin ang iniwanang marka sa kanyang katawan ng mga karanasang pinagdaanan niya.

Aminado naman ang kilalang performer na nabuhay siya sa sobrang takot sa kanyang ina, batambata pa siya nu’n at hindi pa kayang ipagtanggol ang kanyang sarili, kaya kapag naaalala niya ‘yun ay kinikilabutan siya.

Kuwento ng isang source na malapit sa pamosong performer, “Battered child kasi siya, kapag pinagagalitan siya ng mommy niya, e, binabato siya! Kahit anong mahawakan ng mommy niya, e, ihinahampas sa kanya!

“Ngayon na lang niya naiisip na napakalungkot pala ng past niya, pero ang mas nagpapalungkot sa kanya, e, kapag hinahawakan niya ang ulo niya!

“May mga bakas kasi ‘yun ng masaklap niyang nakaraan, hindi pantay ang ulo niya, parang kalyeng lubak-lubak. Kasi nga, e, palagi siyang tinutuktukan ng shoes ng mother niya!

“E, may takong pa naman ang shoes, matulis ang heels, kaya ayun, nakakapa pa rin niya hanggang ngayon ang ulo niyang kubi-kubikong!” kuwento ng source.

Lalaking-lalaki na siya ngayon, wala nang bakas ng pagiging girl, maligayang-maligaya siya sa estado ng kanyang buhay ngayon.

Pangalan ng aktres pang-bad trip sa anak

KUNG gusto mo palang masira ang araw ng anak ng isang female personality ay banggitin mo lang ang pangalan ng kanyang ina. Malalim ang pinanggagalingan nu’n.

Sabi ng aming impormante, “Matindi kasi ang naging problema nilang mag-ina. Sa sobrang lalim, e, ayaw na ayaw niyang naririnig ang name ng mother niya.

“Alam na ‘yun ng mga officemates niya, wala nang nagbabanggit ng pangalan ng mommy niya kapag nandu’n siya sa paligid, dahil siguradong masisira ang araw niya.

“Nu’ng minsan ngang magkita sila ng isang balikbayan niyang kaibigan na walang alam tungkol sa issue, e, nabigla siya. Kinumusta kasi ng friend niya ang family nila.

“Natural, nabanggit nu’ng kausap niya ang pangalan ng mother niya, kaya para hindi na humaba pa ang kuwento, ang sabi na lang niya, “Change topic na lang tayo.”

“Nakakalungkot, pero malalim nga kasi ang hugot nu’ng anak na lalaki ng aktres, dahil pangalan pa lang ng mommy niya, e, sapat na para masira ang araw niya,” pagtatapos ng aming source.

Sharon nega sa uniporme ng mga kasambahay

NAPAKABABAW namang dahilan at barometro para husgahan ang pagkatao ni Sharon Cuneta sa pagsusuot lang ng uniform ng kanilang mga kasambahay.

Porke ba nakauniporme ang mga kasambahay ay walanghiya na at walang puso ang kanilang pinagseserbisyuhan? Du’n ba nasusukat ang ugali ng nagsusuweldo sa mga yaya?

Kailangan pa ba namang bigyan ng malisya at negatibong konotasyon ang pagsusuot ng uniporme ng mga kasambahay ng Megastar?

Isang malaking patunay kung gaano kamakatao si Sharon ay ang kanilang mga kasambahay na gumagapang pa lang siyang sanggol ay naninilbihan na sa kanilang pamilya.

Hindi sila nagpapapalit-palit ng kasambahay, pati ng kanilang mga driver, nagsisitanda sa piling nila ang mga ito. Si Yaya Luring, ang namayapang yaya ni Sharon, ay nagdadalaga pa lang nang mapunta sa kanilang pamilya.

Pangalawang nanay na ang turing ni Sharon kay Yaya Luring. Ito ang nag-alaga sa kanya at nanatiling kasama pa rin niya hanggang sa mag-asawa at magkaanak na siya.

Sumakabilang-buhay si Yaya Luring na kasama pa rin ang Megastar, para rin siyang naulila sa ina nang sumuko na sa katandaan si Yaya Luring, isang napakamarkadong paglalarawan ‘yun kung gaano kaganda ang puso ni Sharon.

E, pilosopo ang kaibigan naming propesor, ang kanyang sabi, “Mema lang! Makapang-bash lang! E, pagsuutin man ng gown ni Sharon ang mga maids nila, e, wala na tayong keber du’n!

“Hanggang hindi tayo sinasaktan ni Sharon, e, labas na tayo du’n! Naka-uniform lang ang mga kasambahay, walanghiya na? Ano ito, lokohan?” madiing reaksiyon ni prop.

Mismo!