Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pampanga nagbigay ng quarantine facility sa PNP

0 75

Para tugunan ang kakulangan ng quarantine facility para sa mga kagawad ng pulisya sa Central Luzon na tinatamaan ng COVID-19, isang 8 unit isolation building ang itinayo ni Pampanga Gov. Dennis Pineda sa loob ng Camp Olivas sa City of San Fernando, Pampanga.

Ang naturang isolation facility ay binuo sa pamamagitan ng mga modified container van at ang bawat kuwarto ay may sariling air conditioning unit, higaan, pribadong palikuran at paliguan.

Ang pangatlong quarantine facility na donasyon ng pamahalaan panlalawigan ng Pampanga ay maaari nang gamitin ng mga kagawad ng Police Regional Office 3 na tinamaan ng virus.

Ang naunang dalawang quarantine facility na itinayo sa loob ng Camp Olivas ay pinondohan ng Philippine National Police at kasalukuyang ginagamit ng mga kagawad ng pulisya na nagsilbing frontliner sa pagharap mg pandemya sa buong rehiyon. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.