Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pampanga river umapaw, mga Kabalen nagpasaklolo

0 210

Nagpasaklolo ang mga residente sa ilang lugar sa Pampanga dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha makaraang umapaw ang kanilang ilog dulot ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa pamamagitan ng social media, humingi ng tulong ang netizen na si Ian Pangilinan dahil ang kanilang lugar naman sa Pampanga ang binabaha ngayon.

Nagpapasaklolo rin ang isa pang netizen na si Kerwin King–“My fellow Cabalens are currently experiencing floods in Arayat, Candaba & Apalit, Pampanga with water levels rising to critical. Waters from Sierra Madre, Tarlac, Nueva Ecija will go down & will most definitely hit more areas. Pls. Help.”

Anila, ang Pampanga river ay umapaw at mabilis na tumataas ang water level, partikular sa Apalit, Candaba at Arayat sa mga karatig na lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero ayon kay Hilton Hernando, hepe ng Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center, naabot ng baha ang pinakamataas na antas pero nagsisimula na ngayon itong humupa.

“Nagle-level off na… Hopefully, starting late tonight, early morning, pa-subside na,” ani Hernando.

Kasabay nito, ay namahagi na rin ang pamahalaang lokal ng Pampanga ng mga ng relief goods sa lahat ng pamilyang naapektuhan.

Ayon sa Pampanga LGU, patuloy pa rin ang isinasagawang ‘dredging operations’ sa Pampanga River at ongoing third river project ng national government, na siyang nakikitang solusyon sa problema. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.