Abante Tonite Interactive

Pampasaherong bus nagliyab sa EDSA-tunnel

137

Nag-panic ang mga pasahero nang biglang magliyab ang sinasakyan nilang pampasaherong bus habang tinatahak ang kahabaan ng EDSA southbound sa Cubao, Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na report ng Metro­ Manila Development Authority (MMDA), alas- 10:00 ng umaga (Enero 20) binabaybay ng bus ang southbound lane ng EDSA-P. Tuazon tunnel nang bigla itong magliyab.

Mabilis namang nakababa ang mga pasahero nang magliyab ang bus kaya masuwerteng walang napaulat na nasugatan.

Nabatid na nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko ang isang linya sa EDSA-P. Tuazon Southbound kung saan ipinarada ng driver ang minamaneho niyang bus na nagliyab.

Inaalam pa ang dahilan nang pagkasunog nito. (Dolly Cabreza)