Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panaga magagarahe 7-10 araw

0 128

Magagarahe ng 7-10 araw si Jeanette Panaga sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference preliminaries, ayon kay assistant coach Sherwin Meneses dahil sa injury.

Nagka-sprained ankle injury noong Huwebes ang middle blocker sa laro ng league-leader Cool Smashers (4-0) kontra Black Mamba-Philippine Army (1-2) na pinanalunan ng una kontra Lady Troopers.

“Nakausap ko ang PT department namin almost seven to 10 days [from the day of the injury],” ani Meneses Linggo. “Pero sana mas mababa pa roon.”

Galing ang Cool Smashers sa pagdemolis sa PLDT Home Fibr sa parehas na araw, 25-16, 25-12, 25-13 sa labang ginanap sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.