Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panagbenga tuloy sa Pebrero

0 71

Tuloy ang Panagbenga o Baguio Flower Festival sa buwan ng Pebrero pero limitado ang mga aktibidad.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ilang aktibidad ang inaprubahan niya maliban sa street dancing at mga float parade, na siyang highlights ng festival at nakakahakot ng maraming bisita sa nakalipas na 20 taon.

Ang pagpapaliban muna sa dalawang pangunahing atraksyon sa Panagbenga ay upang maiwasan ang mass gathering at lalong pagkalat ng coronavirus disease, dagdag ni Magalong.

Samantala, plano ng Panagbenga committee na maglagay ng mga bazaar tulad ng Session Road in Bloom. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.