Abante Tonite Interactive

Panahon na para magkaroon ng DoS

197

Isa ako sa masaya at natutuwa sa pinakita ng ating mga atleta kaya muling nagkampeon ang ating inang bayang Pilipinas sa nakatakdang matapos na bukas na 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 sa Luzon.

Sinuklian ng ating mga manlalalaro ang buong suportang binigay ng gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Partida ‘yan, wala pang departamento sa sports o ‘di kabilang sa gabinete ang sports.

Marahil kung nasa cabinet pa ang larangan sa cabinet ng ating Punong Ehekutibo.

Sa aking pananaw bilang pasasalamat ng estado o ni PRD sa ating mga bayani sa sports, panahon na para gawing Department of Sports (DoS) ang Philippine Sports Commission (PSC).

Baka ang pagkakaroon ng access sa Malakanyang ng PSC kapag naging DoS na, ito ang maging susi para matapos natin ang mag-iisang siglo na, o 95 taon nating tagtuyot sa gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Sawa na ang mga Pinoy sa silver at bronze medals sa Olympics, marami na ‘yan. Gold na ang kailangan na wala pa sa atin sapul nang unang sumali tayo sa quadrennial sportsfest sa 1924 Paris Games.

Isa pa, sana ‘yung malalaking mga kompanya na kupkupin na sina gymnast Carlo Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena sa pagpapasali sa mga ito sa iba’t ibang international competitions bago mag-Tokyo Olympics.

Para matiyak na maging maganda ang paghahanda nila tapos nang magsipag-qualify. Ibabawas naman sa kanilang corporate tax ang magiging gastos nila. Bida pa kayo sa traditional media at socmed at sa buong sambayanan.

***

Mula sa akin, mga kaklase at ka-batch namin sa Fernando Maria Guerrero Elementary School noong 1982, sa pangunguna nina Enrique Valera, Rebecca Geronimo Arana at Teresa Garcia Afable, maligayang kaarawan sa aming batchmate na si Gemma Calipjo ng Dasmariñas City, na nagdiwang ng kanyang kaaarawan nitong Disyembre 4.

At maraming salamat naman kina Primitivo ‘Tivo’ Aguilar III at Ronnel Mercado na nagdisenyo ng aming t-shirt at at nagkaloob ng pinansiyal na suporta sa aming FMGES General Alumni Homecoming/Reunion nitong Nobyembre 30 sa school quadrangle sa Paco, Maynila.