Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panahon na para magretiro

0 56

Nakita ng marami kung gaano na kabagal si challenger Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao nang malasap ang unanimous decision loss kay champion Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang World Boxing Association world super welterweight fight sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada noong Aug. 21.

Kahit sa desisyon lang nauwi ang resulta, maraming tama sa mukha o halos malamog ang ating Pambansang Kamao na magku-43-anyos na sa darating na Dec. 17.

Nakawalong world title sa gayung daming dibisyon, at nakaambang maging GOAT (Greatest Of All Time) professional boxing champion, isang bilyonaryo, national treasure, sports hero at marami pang iba.

Wala nang dapat hangarin pa ang Pinoy ring icon na tubong Kibawe, Bukidnon kundi ang magretiro na sa sport.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kagaya ng sinasabi ng marami, wala ng dapat patunayan si Pacman. Nakuha na niya lahat ang maraming karaangalan, kayamanan, kasikatan at kadakilaan. Sementado na ang pangalan ninyo sa world pro boxing at maging sa ‘Pinas.

Huwag na po sana niyang hintayin pa na mas masaktan pa kayo sa susunod na laban, delikado na lalo’t hindi na kayo bumabata.

Tumulong na lang po kayo para sa sport ninyo o sa sa sports, pandagdag sa iiwanan ninyong pamana para sa susunod na henerasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.