Panalo ni Conor vs Donald: Mabilis pa sa alas-kuwatro

609

Lumaklak ng whiskey si Conor McGregor sa kanyang postfight press conference tapos balugbugin si Donald Cerrone.

Pinatahimik ni McGregor ang kanyang mga kritiko nang pasukuin si Cerrone sa loob lang ng 40 seconds sa UFC 246 nitong Sabado sa T-Mobile Arena Arena sa Las Vegas.

Pinatunayan ni McGregor na ‘di lang ang kanyang left-handed power shot ang pamatay.

Gumamit siya ng kumbinasyon ng shoulder barges para pasarguhin ang dugo sa ilong ni Cerrone.

>

Isang leg kick na nagpaalog sa tuhod ng kalaban, sinundan ng rapidong suntok na tumapos sa bakbakan.

Shoulder barge, gamit sa American football na sa balikat lang ang tama. Pero si McCgregor, sa mukha pinadapo ang balikat at braso.

“I wonder what all those so called experts are going to say now, ‘He’s only a left shoulder!’ – absolute lack of respect and true knowledge of the sport from some of these people,” singhal niya.

Ngayon daw ay mas malamang na irespeto na siya ng mga kritiko. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...