Abante Tonite Interactive

Panalo ni Mariya kakaiba!

268

Weird ang panalo ni Mariya Takahashi sa judo event ng 30th SEA Games.

Tatlong atleta lang ang naka-entry sa women’s 70kg division – sina Takahashi, Ayu Kakihara ng Indonesia at Thongsri Suratara ng Thailand.

Talo si Takahashi kay Kakihara via wazari (one-point edge), pero natalo din si Kakihara kay Suratara sa parehong desisyon, wazari.

Sumunod, dinomina ni Takahashi si Suratara via ippon (knockout).

Pare-parehong 1-1, dinaan sa cards ang desisyon sa medal finish.

Mas mabigat ang panalo ni Takahashi dahil KO, katumbas ng 10 points.
Kaya ang 19-anyos na Pinay ang nagkuwintas ng gold. (VE)