Abante Tonite Interactive

Panalo pabaon ni Ashaolu sa NLEX

276

Nambarako si Olu Ashaolu sa fourth quarter, at tinapos ng NLEX ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup sa pampataas ng kompiyansang 87-85 panalo kontra Phoenix nitong Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Nilista ni Ashaolu ang 10 sa kanyang 17 points sa final 12 minutes, kinumpleto ni Jericho Cruz ang decisive play sa dinambang offensive rebound at free throw sa dying seconds para itawid sa panalo ang Road Warriors.

Nakatatlong panalo lang sa 11 laro ang NLEX, posibleng hindi pa sila makawala sa 12th place pero may baon na sa season-ending Governors Cup.
“Buti na lang na-survive namin,” ani coach Yeng Guiao.

Hindi natapos ni Guiao ang laro, ejected sa last 42.9 seconds nang pituhan ng pangalawa niyang technical dahil sa pagrereklamo sa non-call.

Ibinaon ni Matthew Wright ang dalawang free throws, bago sinubuan si Justin Chua sa ilalim sa sumunod na play para ilapit ang Fuel Masters 82-84.

“Anyway, this is just a sendoff for us, on a winning note,” dagdag ni Guiao. (Vladi Eduarte)