Abante Tonite Interactive

Panalo sa G5 kampeon — PBA stats chief Mango

0 356

Babasagin ng TNT KaTropa at San Miguel Beer ang 2-2 count sa PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Sa kasaysayan ng liga, 28 sa 41 teams – at 10 sa 13 sa huling dekada – na nanalo ng Game 5 ng best-of-seven ang nagtuloy para sikwatin ang kampeo­nato, ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III.

Inekisan na ng magkabila ang kailangang gawin.

Sa Beermen, protektahan ang early lead bago ang matinding finish.
Sa KaTropa, umiwas sa maagang deficit – naiwan sila ng average na 16 points sa Games 2 hanggang 4. Nagawa nilang kumpletuhin ang ahon sa Game 3, pero ‘di araw-araw Pasko.

“I feel like we’re putting ourselves in a hole then climbing out of it, win or lose,” punto ng Best Import ng TNT na si Terrence Jones. “We have to focus on starting the way we finish.”

Kailangan aniya na mainit nilang umpisahan ang laro at mas mainit pang tapusin.

“I think we’re finishing games with desperation on defense and being aggressive, and everybody’s trying to win,” dagdag niya.

Sa umpisa, naka-relax pa raw ang KaTropa, hinahayaang makuha ng Beermen ang ritmo. Pagdating ng second half, tsaka kikilos ang TNT pero madalas ay kapos na sa oras.

“So if we just start the game how we played in the second half, I think we’ll be good,” wakas ni Jones, tumapos ng 32 points, 16 rebounds, 6 assists, 6 steals at 2 blocks sa 106-101 loss ng TNT nang itabla ng SMB ang series nitong Linggo.

Kita na ni San Miguel coach Leo Austria ang pattern sa Games 1-3. Malam­ya nilang inumpisahan ang opener at naiwan hanggang 23, dumistansiya sila ng 17 sa Games 2 at 3 at nagposte ng 15-point lead sa Game 4.

“Kaya for us to better our chances, kailangan i-sustain namin execution from start to finish,” panapos niya. (Vladi Eduarte)