Abante Tonite Interactive

Pananahimik ng Simbahan kinuwestiyon ni De Lima

1,789

Hinikayat ni Senador Leila de Lima ang mga lider ng Simba­hang Katoliko na magsalita sa mga insidente ng pagpatay sa mga pari at sa pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag, sinabi ni De Lima na mistulang nababalewala na ang Catholic Church.

“For a predominantly Catholic country, there seems to be a growing sentiment among the people I have spoken to that the Roman Catholic Church is slowly allowing itself to fall into irrelevancy,” saad ni De Lima.

“Other denominations, when they deem their ranks and their beliefs are under attack, the leadership makes their voices heard, and defends their Church, their own, their followers and, most importantly, their faith,” dagdag nito.

Nagtataka ang senador sa pananahimik ngayon ng Simbahan at hinahanapan nito ng pag-alma sa mga hindi aniya magagandang pahayag ng administrasyon.

“Where are the words of wisdom from the highest ranking official of the Roman Catholic Church in the Philippines? Words that defend against blasphemous words that take the name of God for granted? Words that defend those who defend the faith and its people? Words that are not just meant to guide the Filipino people towards a stronger faith, and away from moral­ly ruinous mentalities and actions, but to condemn recent events that seem to make religious leaders fair game for killing sprees?” dagdag nito.

Una nang binanatan ni Duterte ang aniya’y pagpapanggap ng mga pari na santo habang pinalalabas na mga demonyo ang mga nasa gobyerno, mga sundalo at mga pulis.

Mistula aniyang nagtatagumpay na ang administrasyon sa pagkondisyon mismo sa Simbahan upang tanggapin na lamang ang mga kasamaan nang walang counter message ng kapayapaan, pagmamahal, katotohanan, hustisya, rule of law at respeto sa Diyos at sa Simbahan.