Abante Tonite Interactive

‘Pananakit’ ni JM malalim ang dahilan

723

ROMMEL PLACENTE: Kontrobersyal na naman si JM de Guzman. Sinampahan umano kasi siya ng kasong frustrated murder ng umano’y biktima niya na si Pitt Norman Zapra ng Cubao, Quezon City. Binugbog daw kasi niya si Norman at ng kasama niyang si George Castro nang magkita sila sa isang bar sa QC na muntik umanong ikamatay nito.

Ito ang dahilan para nga sampahan ni Norman ng kaso si JM.

Kung sinaktan man ni JM si Norman, sigurado namang may malaking dahilan. Kilala namin si JM na mabait at maganda ang PR, kaya nagtataka lang kami na nasangkot siya sa ganitong isyu.

Antayin na lang natin kung anong magiging resulta ng kaso. Kung maa-acquit ba si JM o mako-convict siya.

MILDRED BACUD: Pero ka-Cuatros Rommel, ang nakakapagtaka lang, last May 7 pa pala nangyari ang insidente. Four months pa ang nagdaan bago naghain ng reklamo.

Ayon din sa salaysay, ang kaibigan ng aktor na si George ang unang nagalit at nanakit umano na sinundan ng aktor ng pananakit.

Well, one side pa lamang ang naririnig natin. Sabi nga, laging may 2 bersyon ang kuwento pero kung true ito, seryosong problema na naman ang kakaharapin ng aktor. Matapos masangkot sa droga, ibang kaso na naman ito.

Sa huli naman nating interview sa aktor sa presscon ng seryeng “Pamilya Ko”, nakita natin ang magandang pagbabago sa kanya. Panay puri rin ang mga kasamahan niya sa trabaho lalo na ang tinuturing niyang kapamilya na si Sylvia Sanchez. Nakuwento rin ni JM na patuloy pa rin siyang nagre-report sa rehabilitation program.

Sana naman maayos ng aktor ang gusot na ito. Sayang naman ang pagbabalik niya sa showbiz.

RODEL FERNANDO: Mabigat ang kasong frustrated murder na isinampa umano kay JM.

Sayang, dahil mukha namang nagbago na talaga siya dahil in good shape na at seryoso sa career.

Sigurado na matindi ang dahilan ng nag-akusa kaya humantong sa ganito ang lahat. Pero sabi mo nga Mildred, hindi pa natin nakikita ang the other side of the story.

Of course, ngayong biglang may nega issue, siguradong lilinisin niya ito. Dapat agad-agad ay gumawa na siya ng aksyon para hindi maapektuhan ang papaganda niyang career.

RONALINE AVECILLA: Ano kayang hakbang ang gagawin ni JM at ng management niya? Kung kailan palabas na ang teleserye niya ay saka lumabas ang isyu na ito. Muli na ngang gumaganda ang image niya simula nang lumabas siya sa rehabilitation center dahil sa magagandang proyektong ibinibigay sa kanya.

Sa tingin namin ay hindi siya pababayaan ng Star Magic, lalo na at nasimulan na ang teleserye niya.